PhilNews

  • #WalangPasok
  • Breaking News
  • Photography
  • ALS Exam Results
  • Aeronautical Engineering Board Exam Result
  • Agricultural and Biosystem Engineering Board Exam Result
  • Agriculturist Board Exam Result
  • Architecture Exam Results
  • BAR Exam Results
  • CPA Exam Results
  • Certified Plant Mechanic Exam Result
  • Chemical Engineering Exam Results
  • Chemical Technician Exam Result
  • Chemist Licensure Exam Result
  • Civil Engineering Exam Results
  • Civil Service Exam Results
  • Criminology Exam Results
  • Customs Broker Exam Result
  • Dental Hygienist Board Exam Result
  • Dental Technologist Board Exam Result
  • Dentist Licensure Exam Result
  • ECE Exam Results
  • ECT Board Exam Result
  • Environmental Planner Exam Result
  • Featured Exam Results
  • Fisheries Professional Exam Result
  • Food Technologist Board Exam Result
  • Geodetic Engineering Board Exam Result
  • Guidance Counselor Board Exam Result
  • Interior Design Board Exam Result
  • LET Exam Results
  • Landscape Architect Board Exam Result
  • Librarian Exam Result
  • Master Plumber Exam Result
  • Mechanical Engineering Exam Results
  • MedTech Exam Results
  • Metallurgical Engineering Board Exam Result
  • Midwives Board Exam Result
  • Mining Engineering Board Exam Result
  • NAPOLCOM Exam Results
  • Naval Architect and Marine Engineer Board Exam Result
  • Nursing Exam Results
  • Nutritionist Dietitian Board Exam Result
  • Occupational Therapist Board Exam Result
  • Ocular Pharmacologist Exam Result
  • Optometrist Board Exam Result
  • Pharmacist Licensure Exam Result
  • Physical Therapist Board Exam
  • Physician Exam Results
  • Principal Exam Results
  • Professional Forester Exam Result
  • Psychologist Board Exam Result
  • Psychometrician Board Exam Result
  • REE Board Exam Result
  • RME Board Exam Result
  • Radiologic Technology Board Exam Result
  • Real Estate Appraiser Exam Result
  • Real Estate Broker Exam Result
  • Real Estate Consultant Exam Result
  • Respiratory Therapist Board Exam Result 
  • Sanitary Engineering Board Exam Result 
  • Social Worker Exam Result
  • UPCAT Exam Results
  • Upcoming Exam Result
  • Veterinarian Licensure Exam Result 
  • X-Ray Technologist Exam Result
  • Programming
  • Smartphones
  • Web Hosting
  • Social Media
  • SWERTRES RESULT
  • EZ2 RESULT TODAY
  • STL RESULT TODAY
  • 6/58 LOTTO RESULT
  • 6/55 LOTTO RESULT
  • 6/49 LOTTO RESULT
  • 6/45 LOTTO RESULT
  • 6/42 LOTTO RESULT
  • 6-Digit Lotto Result
  • 4-Digit Lotto Result
  • 3D RESULT TODAY
  • 2D Lotto Result
  • English to Tagalog
  • English-Tagalog Translate
  • Maikling Kwento
  • EUR to PHP Today
  • Pounds to Peso
  • Binibining Pilipinas
  • Miss Universe
  • Family (Pamilya)
  • Life (Buhay)
  • Love (Pag-ibig)
  • School (Eskwela)
  • Work (Trabaho)
  • Pinoy Jokes
  • Tagalog Jokes
  • Referral Letters
  • Student Letters
  • Employee Letters
  • Business Letters
  • Pag-IBIG Fund
  • Home Credit Cash Loan
  • Pick Up Lines Tagalog
  • Pork Dishes
  • Lotto Result Today
  • Viral Videos

Talata Tungkol Sa Sarili Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

Heto ang mga halimbawa ng talata tungkol sa sarili.

TALATA TUNGKOL SA SARILI – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng talata tunkol sa ating mga sarili.

Ang pagsusulat ng talata tungkol sa sarili ay dapat galing sa inyong sariling pag-iisip. Ito ay dahil lahat tayo ay may indibidwal na mga katangian. Bukod dito, tayo lamang ang makaka-alam ng tunay nating pagkatao.

Talata Tungkol Sa Sarili Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

Ngunit, hindi naman masama na makakuha ng konting inspirasyon galing sa mga talata ng ibang tao tungkol sa kanila. Heto ang mga halimbawa ng talata tungkol sa sarili:

Ang aking Sarili (Komposisyong Deskriptib) – JUDY ANN T. ARAÑO

Ako ay isang simpleng tao. Oo, ganun ang turing ko sa sarili ko. Dalawampung taong gulang na ako ngayon. Ito ang aking ipinagmamalaking edad habang sinusulat ko ang akdang ito. Kung sa mukha’t mukha lang ang pagbabasehan ng aking katauhan ay palagay ko hindi naman ako pahuhuli. Ang ibig kong sabihin ay hindi naman ako panget. Sa madaling salita ay katamtamang itsura. Medyo payat din ako, nasa 5’0 ang taas at mapusyaw ang aking balat. Itim ang buhok ko, may brown at singkit na mga mata. Isa ko pang katangian ay ang maganda kong mga ngipin. Alagang-alaga ko ba naman. Bukod dito ‘yung labi ko naman ay tama lang at mamula mula. Hindi siya makapal at hindi rin namang gaanong kanipis. Sa pangkalahatan, ang lahat naman ay naaayon sa hubog ng aking mukha at katawan. ‘Yun nga lang, hindi lahat ay perpekto, hindi lahat ay kanais-nais at hindi lahat ay magaan na dalhin sa katawan. Kung anu ‘yon, tiyak na maisusulat ko sa pagdaan ng mga panahon.

Kung ugali naman ang pag-uusapan, marami ako nyan. Sabi ng iba mabait daw ako. Oo, tama naman sila. Mabait ako sa taong mabait sa akin. Kung mabait ang isang tao sa’yo dapat ganun ding kabaitan ang ipakita mo sa kanya. Madami din akong kaibigan dahil ng pala-kaibigan ako. Matulungin ako sa aking mga kapatid at magulang. At higit sa lahat ay mapagmahal akong anak. Marami pa siguro akong ugali na hindi ko pa nababanggit sa akdang ito. Siguro mababanggit ko rin yon sa ibang mga pagkakataon. Kung talent naman ang pag-uusapan, masasabi kong mayroon din naman ako. Ang pagkanta ay itinuturing kong isang talento na galling sa Diyos. Sa mga talentong pinasabog sa mundo, nasubukan ko na rin namang sumayaw lalo na kapag may kasiyahan sa aming angkan.

Ito ay isa lamang maikling pagpapakilala ng sarili ko. Sa pagdaan ng mga panahon, madadagdagan pa ang maisusulat ko tungkol sa sarili ko at sa aking paglalakbay. Mahaba pa ang buhay. Ngunit kung ito na ang huling akdang magagawa ko, at least naranasan kong magsulat. Naranasan kong magkwento ng aking buhay.

Ang pagkakilala ko sa aking sarili – Katherine A. Mancenido

Ako pala yung tipo ng tao Na maingay at sobra sa likot. Hindi nabibingi sa kaingayan, Pagkat sa akin ito’y kapayapaan.

Kung ako’y iyong titignan, Malakas at matapang, Siga at walang inuurungan Ang iyong makikita.

Ngunit sa katotohanan ay Ako’y mahina at laging nag-iisa. Kalungkutan ay bumabalot Sa aking puso’t isipan.

Nagmimistulang batang naliligaw Sa gitna ng mundong makasalanan Di malaman kung saan tutungo, Sapagkat gabay ay aking kailangan.

Nahanap ko ang bahagi ng buhay ko Sa tulong ng tunay kong kaibigan. Di nila ako pinabayaan, Naging ama’t ina sa aking mga mata.

Ako yung tipo ng tao Na kaibigan lang ang hanap. Pagmamahal na mula sa kanila Aking laging inaasam.

Ako’y natutong ngumiti at tumawa Sa kabila ng maraming problema. Sapagkat ako’y malaki na Kailangang tumayo sa sariling paa.

Ako’y magiging matatag Sa anumang hamon ng buhay. Pangarap na nais makamtam, Pagsisikapan na maabot.

Ako pala yung tipo ng tao Na makulit at masayahin Ito ang nais …

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Madaling Maging Tao Mahirap Magpakatao Kahulugan At Paliwanag

Leave a Comment Cancel reply

Example ng essay tungkol sa "ang aking sarili"

Kylla03

Ang Aking Sarili

Tulad ng ibang tao sa mundo mayroon tayong eksaktong taon, araw, buwan at mga tao na higit na nakatulong sa ating personalidad sa ating buong buhay.

Ipinagkalooban ng isang natatanging pangalan____mula sa pamilyang namuhay sa simpleng paraan. Ako ay ipinanganak sa taong__ buwan ng__ sa araw ng__, isang natatanging araw na nagbigay sa akin ng buhay at kakayahang tumayo sa tulong ng aking pamilya. Ikatlong anak nina__ at__ ,mga simpleng tao na nagpalaki sa aming magkakapatid nang puno ng pag-mamahal at pag-aaruga.

Kasama ng aking dalawa pang mga kapatid kami ay nag-aaral sa paaralang____. Ngunit dahil ako ay ikatlong ipinanganak ako ay mas huli sa taon ng pag-aaral. Nabibilang ako sa baitang __, hindi man nangunguna pagdating sa katalinuhan ngunit nangunguna naman sa mga kakayahang pang-sining.

Ako ay higit na nabibighani sa mga kulay na meron ang mga pintura kapag napahid na sa mga papel. Kung kaya’t ako ay nagsikap na kumbinsihin ang aking mga magulang upang ako ay bigyan ng permiso upang makabili ng maliliit na pintura. Maliban sa sining, aktibo rin ako sa pagsasalita ng ingles upang malinang ang aking sarili .

Naglalayon akong makapag-aral ng sining sa isang kilalang paaralan. Iyon lamang ay upang punan ang aking sariling talento ika nga ng aking guro sa sining, ang aking tunay na mithiin sa buhay ay maging isang doktor. Isang propesyong marihap matupad ngunit isang malaking karangalan para sa aming pamilya at maaring para na din sa iba.

Maliban sa aking mga hilig at mithiin sa buhay, isa sa mga bagay na palaging nasa sa isip ko ay ang aking personalidad. Ang isang taong may magandang personalidad ay higit na magtatagumpay sa buhay. Yun ang isinambit ng aking guro. Ang kabutihan naman daw ng isang tao ang makapagaangat sa kaniyang buhay ang ika naman ng aking ina.

Sa baitang na ___, higit na marami na aking isinasa-isip hindi dahil ipinipilit sa akin ng mga tao sa aking paligid kundi para na rin sa aking kinabukasan bilang isang mamamayanat indibidwal sa lipunan. Muli, ako ay nagmula sa isang simpleng pamilyang punong-puno ng pagmamahal ito ay isang sanaysay tungkol sa Aking Sarili .

Iba pang impormasyon ukol sa paksa:

Mga Sanaysay: brainly.ph/question/886798

brainly.ph/question/652433

brainly.ph/question/2204848

Keywords: Sanaysay, Sarili, Ang Aking Sarili

New questions in Filipino

IMAGES

  1. Halimbawa ng essay tungkol sa sarili

    halimbawa ng pictorial essay tungkol sa sarili

  2. Photo Essay

    halimbawa ng pictorial essay tungkol sa sarili

  3. Halimbawa ng essay tungkol sa sarili

    halimbawa ng pictorial essay tungkol sa sarili

  4. Halimbawa ng essay tungkol sa sarili

    halimbawa ng pictorial essay tungkol sa sarili

  5. Kahulugan Ng Pictorial Essay

    halimbawa ng pictorial essay tungkol sa sarili

  6. pictorial essay halimbawa

    halimbawa ng pictorial essay tungkol sa sarili

VIDEO

  1. Kapaligiran (Environment) Pictorial Essay

  2. Pictorial ng Beshy ko part 1 #shorts #picture

  3. Bakit STEM?!

  4. Paano gumawa ng portfolio sa ALS at work Sample ( alternative learning system 2021-2022)

  5. PICTORIAL ESSAY WEEK 4

  6. Pagkakaibigan

COMMENTS

  1. Pictorial Essay 1

    Kalikasan ng photo essay. 1 ng damdamin at kaisipan sa serye ng larawan. ... Narito ang isang halimbawa ng pictorial essay: Ang pagsasaka ay isa sa pinakaimportanteng hanapbuhay sa Pilipinas, kung saan karamihan sa ating mga kababayan ay nakadepende sa sektor na ito. Sa larawang ito, ipapakita natin ang ilan sa mga magsasaka sa iba't ibang ...

  2. Sanaysay Tungkol Sa Sarili

    Sa panahon ngayon, kung saan nangyayari ang masasamang bagay sa lahat ng oras, lahat ay nagsisimulang magtaka kung sino talaga sila. Ang tanong, sakay ka ba sa akin? Ang sanaysay ay nagpapakita kung paano pumili at makilala ang sarili sa lahat ng oras, at pahalagahan ito nang walang pag-aatubili. Salamat sa inyong maiiging pagbabasa.

  3. PIctorial Essay

    pictorial essay sample work laro at buhay sa tala ng aking buhay ay maraming beses ko nang narinig ang kasabihan na laro ng buhay may natatalo, may nananalo, ... sila ay makakatulong sayo upang maabot mo ang pinakamataas na bersyon ng iyong sarili at higit sa lahat, sila ang magiging kadamay mo tuwing ikaw ay may problema. ... Halimbawa ng mga ...

  4. Talata Tungkol Sa Sarili Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

    Heto ang mga halimbawa ng talata tungkol sa sarili: Ang aking Sarili (Komposisyong Deskriptib) - JUDY ANN T. ARAÑO. Ako ay isang simpleng tao. Oo, ganun ang turing ko sa sarili ko. Dalawampung taong gulang na ako ngayon. Ito ang aking ipinagmamalaking edad habang sinusulat ko ang akdang ito.

  5. Module 9 Piktoryal na Sanaysay

    Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na: 1. natutukoy ang kahulugan ng pictorial essay; 2. nalalaman ang mga hakbang sa paggawa ng pictorial essay; at 3. nakagagawa ng pictorial essay. PANIMULA. Pansinin ang bawat kasunod na larawan. Sa bawat kasunod na patlang, isulat ang iyong unang nakita sa bawat isa.

  6. Pictorial Essay & Replektibong Sanaysay Flashcards

    pictorial essay. may pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo na't karamihan ng lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan. 1) Ang larawan ay dapat pinag-isipang mabuti dahil ito ang magpapakita ng kaisipang nais ipahayag. 2) Ang mga nakatalang sulat sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya't hindi ito kinakailangang ...

  7. FPL Q2 M2 Pictorial Essay

    Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-Akademiko Ikalawang Markahan - Modyul 3: Pictorial Essay ##### Alamin. Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang magkaroon ng lubos na pag-unawa ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagsulat isang pictorial essay o larawang-sanaysay.

  8. Pictorial Essay at Lakbay sanaysay by Jos Santos on Prezi

    3.Maging isang manunulat. 1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng paksang isusulat. 2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang . 3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay. 4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan.

  9. Pictorial Essay

    DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG PICTORIAL ESSAY. Ang paglalagay ay dapat na isinasaayos o pinag-isipang Mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya't hindi kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang ...

  10. Example ng essay tungkol sa "ang aking sarili"

    Maliban sa sining, aktibo rin ako sa pagsasalita ng ingles upang malinang ang aking sarili. Naglalayon akong makapag-aral ng sining sa isang kilalang paaralan. Iyon lamang ay upang punan ang aking sariling talento ika nga ng aking guro sa sining, ang aking tunay na mithiin sa buhay ay maging isang doktor. Isang propesyong marihap matupad ngunit ...